City of Imus

Humigit-kumulang 3,000 siklista, nagsama-sama sa ikalawang taon ng Shopwise Bike Fest



May 18



Ngiting tagumpay ang gumuhit sa mga mukha ng humigit-kumulang 3,000 siklista sa ikalawang taon ng Shopwise Bike Fest nitong Mayo 18, 2025, na muling ginanap sa Vermosa, Lungsod ng Imus, Cavite.

Pumadyak ang mga siklista sa 60 km, 45 km, at 30 km ride categories.

Sa mungkahing mahikayat ang buong pamilya na maging aktibo sa pamamagitan ng pagbibisikleta, nakilahok din ang mga bata sa kids ride, tricycle ride, at push bike ride.

Bukod sa finisher’s medal, nakapag-uwi ang mga siklista ng grocery package mula sa Shopwise.

Nakasama rin dito ang ilang mga kilalang personalidad sa komunidad ng mga siklista na sina:

- Kara David, batikang mamamahayag at triathlete
- Dicky Bachmann, Chairman ng Philippine Sports Commission
- Father Geraldo Costa, community leader at misyonaryo
- Julie Miranda, isang ina at asawa ng isang siklista
- Dr. Carmelo Braganza
- James Paul Ruan Escumnien, Go for Gold’s Best Young Rider sa Tour of Luzon
- Ray Guinoo, Marketing Director
- PMAJ Anthony France Ramos, Camp Crame Public Information Officer

Ang tagumpay ng Shopwise Bike Fest 2025 ay sumasalamin sa hangarin ng mga Pilipino na mamuhay nang malusog at aktibo.