City of Imus

Gawad KALASAG Seal of Excellence iginawad sa Imus LGU



January 28



Sa tatlong sunod-sunod na taon, nakakuha ng Beyond Compliant rating o 2.83 rating ang Office of the City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) ng Pamahalaang Lungsod ng Imus sa ika-24 na Gawad KALASAG (KAlamidad at Sakuna LAbanan, SAriling Galing ang Kaligtasan) Seal for Local DRRM Councils and Offices (LDRRMCOs) Category ng National DRRMC nitong Enero 28, 2025.

Bukod pa rito, pinarangalan din ang tanggapan ng Plaque of Recognition nang maging regional finalist para sa special award na Government Emergency Management and Response Teams (Advanced) Category sa ika-24 na Gawad KALASAG Special Awards for Excellence in DRRM and Humanitarian Assistance ng Regional DRRMC, kung saan inirepresenta ng Imus ang buong rehiyon.

Personal na tinanggap nina Konsehal Atty. Wency Lara at CDRRMO Head Marisel Cayetano ang mga nasabing parangal.

Patunay ito sa mas angat na mga kasanayang isinasagawa ng Imus CDRRMO para masiguro ang kahandaan at kaligtasan ng mga Imuseño sa anumang panganib na maaaring humantong sa sakuna.