City of Imus

Pagdalo ni Mayor AA sa mga pagpupulong ng LSB at GFPS



January 28



Pinangunahan ni Imus City Mayor Alex “AA” L. Advincula ang mga unang pagpupulong ngayong taon ng Local School Board (LSB) at ng Gender and Development Focal Point System (GFPS) nitong Enero 28, 2025, sa New Imus City Government Center.

Tinalakay sa LSB meeting ang mga aktibidad na isinagawa at isasagawa ng mga pampublikong paaralan, gayon din ang mga programang nagsisigurong maayos ang kalagayan at pagkatuto ng mga mag-aaral. Pinalawak pa, base sa suhestiyon ni Mayor AA, ang ilan sa mga programa ng lungsod sa mga pribadong paaralan gaya ng pagbibigay ng libreng salamin sa mata sa mga batang mag-aaral na karapat dapat tumanggap nito. Gayundin ang pamamahagi ng mga mosquito repellant sa mga mag-aaral sa mga pribadong paaralan na may mataas na kaso ng dengue.

Pagdating naman sa pag-unlad ng iba’t ibang kasarian sa lungsod, pinag-usapan ng mga miyembro ng GFPS ang mga nakalatag na plano para mas maintindihan ng publiko kung bakit pantay-pantay dapat ang pagtingin sa mga kasarian.

Kasabay nito, ibinahagi ni Prof. King David Agreda ang kaniyang kaalaman sa usaping “Gender Matters: Building Inclusive and Safe Spaces in Governance” upang maging inklusibo pa ang pakikitungo ng mga kawani ng pamahalaan sa mga mamamayan.