City of Imus

83,333 mag-aaral sa Imus nakatanggap ng mosquito repellant



January 20



Sa layuning maprotektahan ang mga mag-aaral mula sa mga sakit na dala ng lamok gaya ng dengue, pinangunahan ni Imus City Mayor Alex “AA” L. Advincula at ng Team AJAA ang paglunsad sa pamamahagi ng mosquito repellant lotion sa 83,333 pampublikong mag-aaral sa Imus nitong Enero 20, 2025, na ginanap sa Imus National High School (INHS).

Una nang nakatanggap ang 2,831 mag-aaral ng INHS na sinundan ng pamamahagi sa natitirang 37 pampublikong paaralan sa Imus noong Enero 21.

Ang paglalagay ng mosquito repellant sa katawan ay isa lamang sa mga hakbang laban sa sakit na dengue. Pinapayuhan pa rin ang publiko na gawin ang 5S:

• Search and destroy mosquito-breeding sites;
• Seek immediate consultation sa oras na makaranas ng mga sintomas ng sakit na dengue;
• Say “no” to indiscriminate fogging o ang paggamit ng spray na hindi pumupuksa sa mga itlog at kitikiti ng dengue;
• Self-protection measures sa pamamagitan ng pagsusuot ng mga mahahabang damit, light-colored na damit, at pagpahid ng mosquito repellant; at
• Sustain hydration sa pamamagitan ng pag-inom ng sapat na tubig upang maiwasan ang dehydration.

Patuloy rin ang administrasyong Advincula sa pagsasagawa ng mga aktibidad upang mapigilan ang pagdami ng mga kaso ng dengue.

Kaugnay nito, nakatanggap din ng humigit-kumulang 3,000 lapel microphone ang mga guro sa mga pampublikong paaralan.