City of Imus

2,393 Imuseño, nakatanggap ng AICS Payout ng CSWDO



October 6



WELLNESS CENTER, Imus City Government Center—Sa pamamagitan ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) ng Imus City Social Welfare and Development Office (CSWDO), namahagi sina City Mayor Alex “AA” L. Advincula at Kinatawan Adrian Jay “AJ” Advincula ng pinansyal na tulong sa kabuaang 2,393 Imuseño sa mga araw ng Hulyo 12 at 20, Agosto 4, at Setyembre 1, 21, at 27, at Oktubre 6.

Layunin ng programa na matulungang makabangon ang mga indibidwal at pamilyang nahaharap sa krisis, kabilang na ang mga indigent at ang mamamayang hindi pa nakatatanggap ng tulong mula sa Crisis Intervention Unit (CIU).

Naging katuwang din ng Pamahalaang Lungsod ang tanggapan ni Senador Bong Go noong ika-4 ng Agosto.

Ang AICS ay isa sa mga programa ng CSWDO na naghahatid ng tulong medikal, pinansyal, transportasyon, pang-edukasyon, at pampalibing.

Ilan lamang ito sa mga programang binibigyang pansin ni Mayor Advincula bilang tugon sa mga pangangailangan ng publiko, tungo sa pag-angat ng Imus.