City of Imus

513 Imuseño nakatanggap ng honorarium at educational assistance mula sa Imus LGU



September 25



Pinangunahan ni Imus City Mayor Alex “AA” L. Advincula ang pamamahagi ng honorarium allowance para sa mga miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at ng educational assistance para sa mga indigent solo parent nitong Setyembre 25, 2024, sa Function Hall, New Imus City Government Center.

Sa tala, nasa 200 elementary hanggang junior high school students ang nakatanggap ng tig- P3,000, habang 200 senior high school at college students ang nakatanggap ng tig-P4,000. Samantalang nasa 113 indigent solo parents naman ang pinagkalooban ng P2,400 bawat isa. Personal ding silang kinumusta ni Konsehal Atty. Wency Lara.

Ang 4Ps ay ang pambansang estratehiya ng pamahalaan na may layuning matulungan ang mga pamilyang lubhang kapuspalad sa loob ng pitong taon alinsunod sa Batas Republika Blg. 11310 o ang “4Ps Act.”

Batay naman sa Batas Republika Blg. 11861 o ang “Expanded Solo Parents Welfare Act,” ang mga indigent solo parent ay nararapat na makatanggap ng P1,000 kada buwan. Kaagapay sa naturang pamamahagi ang Imus City Social Welfare and Development Office.