Mas pinaramdam ng Pamahalaang Lungsod ng Imus at ng tanggapan ni Congressman Adrian Jay “AJ” C. Advincula ang Alagang Advincula sa paglapit ng libreng serbisyong medikal sa mga Imuseñong higit na nangangailangan mula noong Hulyo 10 – Setyembre 11, 2024, sa iba’t ibang barangay sa Imus. Tinatayang nasa 5,070 Imuseño ang nakatanggap ng mga atensyong medikal tulad ng konsultasyon, chest x-ray, blood chemistry at hematology, electrocardiogram (ECG), urinalysis, at HIV screening at testing. Kasabay nito ay nakapagparehistro din ang mga benepisyaryo sa PhilHealth. Personal din silang kinumusta nina Imus City Mayor Alex “AA” L. Advincula, Imus City Vice Mayor Homer “Saki” T. Saquilayan, at mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod ng Imus. Kaagapay rito ang Pamahalaang Panlalawigan ng Cavite, Cavite Provincial Health Office, Imus City Health Office, barangay health workers, Medical Center Imus, at JaroMed & Diagnostic Center.