City of Imus

Stable Internal Peace and Security idineklara sa Imus / Kaligtasan sa Imus pinaigting ng samahan ng Imus LGU at AFP



September 10



Sa pamamagitan ng isang ceremonial signing, pormal na idineklara ng Pamahalaang Lungsod ng Imus ang Stable Internal Peace and Security sa lungsod nitong Setyembre 10, 2024.

Kasabay ito ng paglagda nina Imus City Mayor Alex “AA” L. Advincula at Major Artemio Alosada, sa ngalan ni Commander Col. Ronald Jess Alcudia, sa isang memorandum of understanding sa pagitan ng Pamahalaang Lungsod ng Imus at ng Task Force Ugnay — isang grupong binuo ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP).

Nangangahulugan itong determinado ang lokal na pamahalaan at ang naturang task force na mapanatili ang kapayapaan at kawalan ng banta ng Communist Terrorist Group sa Imus.

Saksi rin sa naganap na ceremonial signing sina Imus City Vice Mayor Homer “Saki” T. Saquilayan, mga konsehal, City Local Government Operations Officer Joseph Ryan Geronimo, at City Administrator Tito Monzon.

Natunghayan din ito nina Datu Theng Sawal, Brig. Gen. Cerilo C. Balaoro Jr. PA, PCol. Eleuterio Ricardo Jr., PLTCOL Louie Dionglay, Police Major Ernesto Chavez, Department of the Interior and Local Government (DILG) Provincial Director Engr. Danilo Nobleza, at DILG Cavite Cluster Head Nencita Costelo.

Nangako rin ang mga opisyal sa kanilang aktibong partisipasyon sa paglagda sa Pledge of Commitment.