City of Imus

Mayor AA, Cong. AJ binisita ang mga Imuseñong nasalanta dahil sa Bagyong Enteng at habagat



September 3



Personal na inihatid nina Congressman Adrian Jay “AJ” C. Advincula, Imus City Mayor Alex “AA” L. Advincula, at ng Sangguniang Panlungsod ng Imus noong Setyembre 3, 2024, ang mga food package sa mga residente ng Sheltertown Subdivision, Brgy. Buhay na Tubig na lubhang naapektuhan ng pananalasa ng Bagyong Enteng at ng habagat. Kaagapay rin sa pamamahagi sina Konsehal Sherwin Comia, Konsehal Mark Villanueva, Konsehal Wency Lara, Konsehal Igi Revilla-Ocampo, at Imus City Disaster Risk Reduction and Management Office Command Center Manager AJ Sapitan na nangumusta sa kalagayan ng mga naturang residente. Nagkaroon din ng mga pagpupulong noong Setyembre 2–3, 2024, kaugnay ng mga isinasagawa at dapat pang isagawang aksyon ng lokal na pamahalaan upang maibsan ang epekto at matugunan ang pangangailangan ng mga Imuseñong nasalanta ng habagat at ng Bagyong Enteng.