City of Imus

Pagbisita nina Mayor AA at Cong. AJ sa mga biktima ng sunog sa Brgy. Medicion II-E



April 25



Personal na kinumusta nina City Mayor Alex “AA” L. Advincula at Congressman Adrian Jay “AJ” C. Advincula ang 12 pamilyang biktima ng sunog sa Paeso Compound, Brgy. Medicion II-E nitong Abril 25, 2024.

Kaakibat ng kanilang pagbisita ay ang paghahatid ng pagkain at tulong pinansyal sa mga nasunugan upang muli silang makapagsimula.

Samantala, isang araw bago ang pagdalaw nina Mayor AA at Cong. AJ, namahagi ng relief goods ang Imus City Disaster Risk Reduction and Management Office sa mga nasunugan sa Paeso Compound, Brgy. Medicion II-E at maging sa mga biktima ng sunog sa Riverside, Brgy. Malagasang II-D at Brgy. Malagasang I-A.

Ilan sa mga nilalaman ng relief goods ay ang food pack, hygiene kits, at tulugan.

Pansamantalang nanunuluyan sa Fatima Church ang 12 pamilya mula sa Paeso Compound, habang nanunuluyan ang mga biktima mula sa Riverside sa kanilang kaanak.