City of Imus

2 Eco Cabs, 50 Eco-carts handog nina Mayor AA at Cong. AJ sa barangay eco-aides ngayong Earth Day 2024



April 22



Bilang pakikiisa ng Pamahalaang Lungsod ng Imus sa pagdiriwang ng Earth Day 2024, iginawad nina City Mayor Alex “AA” L. Advincula, Vice Mayor Homer “Saki” T. Saquilayan, at ng mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod ng Imus ang 50 bagong eco-carts at dalawang bagong eco cabs sa eco-aides ng mga barangay sa Imus nitong Abril 22, 2024.

Kasabay nito ay isinagawa rin ang pagbabasbas sa dalawang eco cabs na magagamit ng mga barangay sa mga malalakihang paglilinis sa lungsod.

Ang mga ito ay munting handog nina Mayor AA at Congressman Adrian Jay “AJ” C. Advincula para makatulong sa paglilinis ng mga eco-aide.

Ang tema ng Earth Day 2024 ay “Planet vs. Plastics” na may layuning higit pang malinang ang kaalaman ng publiko sa mga panganib na dala ng plastik sa kalusugan. hindi lamang ng taong-bayan, kung hindi maging ang mga hayop.