City of Imus

Gulong ng Pag-asa: Cong. AJ, namahagi ng wheelchair sa mga Imuseño



April 19



Muling naghatid ng pag-asa si Congressman Adrian Jay “AJ” C. Advincula sa mga Imuseñong may kapansanan at senior citizen sa pamamagitan ng mga bagong wheelchair noong Abril 19, 2024.

Personal na binisita ni Cong. AJ ang limang benepisyaryo at naghandog ng grocery package, bigas, at tulong pinansyal na maaari nilang magamit sa kanilang araw-araw na pangangailangan.

Lubos naman ang pasasalamat ng mga nakatanggap ng mga bagong wheelchair lalo na’t malaking tulong ito para maibsan ang kanilang iniindang karamdaman.

Patuloy naman si Cong. AJ, kasama ang buong Pamahalaang Lungsod ng Imus, sa pag-alalay at pag-agapay sa mga pangangailangan ng bawat Imuseño.