City of Imus

Negros Oriental Provincial Engineering Office, bumisita sa Pamahalaang Lungsod ng Imus



April 18



Sinalubong ng mga lingkod bayan ng Pamahalaang Lungsod ng Imus ang mga kinatawan ng Negros Oriental Provincial Engineering Office (PEO) sa kanilang pagbisita sa lungsod para sa isang benchmarking nitong Abril 18, 2024.

Inalam ng Negros Oriental PEO ang mga sistemang iniimplementa ng Office of the Building Official, kabilang na ang ginagamit na air-conditioner units, generator set, at ang fire prevention system sa New Imus City Government Center.

Pinangunahan nina City Administrator Tito Monzon, kinatawan ni City Mayor Alex “AA” L. Advincula, at City Architect Roel Saquilayan ang naturang benchmarking.