City of Imus

1,649 TUPAD Workers, natanggap na ang kanilang sahod



April 12



Isang buwan matapos magtrabaho ng 1,649 na Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD), personal na iniabot ni Congressman Adrian Jay “AJ” C. Advincula ang kanilang sahod sa pamamagitan ng isang payout noong Abril 12, 2024 sa City of Imus Sports Complex.

Kaagapay rin sa programang ito ang tanggapan ni Senador Bong Revilla Jr. Kinumusta naman nina City Mayor Alex “AA” L. Advincula, Vice Mayor Homer “Saki” T. Saquilayan, at mga konsehal ang naging karanasan ng mga manggagawa sa kanilang pansamantalang trabaho.

Patuloy ang pakikipagtulungan nina Cong. AJ at Mayor AA kina Senador Bong Revilla Jr. at Congressman Bryan Revilla upang mas maraming Imuseño pa ang matulungan.