City of Imus

500 Imuseñong Muslim nakatanggap ng grocery package at bigas mula kay Cong. AJ at Imus LGU



April 8



Sa pakikipagtulungan ng tanggapan ni Congressman Adrian Jay “AJ” C. Advincula sa Pamahalaang Lungsod ng Imus, nakatanggap ng grocery package at bigas ang humigit- kumulang 500 Imuseñong Muslim sa mga barangay Bayan Luma II at Tanzang Luma I noong Abril 8, 2024.

Bahagi ito ng pakikiisa ng kaniyang tanggapan at ng Pamahalaang Lungsod sa banal na pagdiriwang ng Ramadan. Nanguna sa pamamahagi sina Vice Mayor Homer “Saki” T. Saquilayan, Chief of Staff Allen

Atienza bilang kinatawan ni Cong. AJ, at Special Assistant to the Mayor Jeff Purisima bilang kinatawan ni City Mayor Alex “AA” L. Advincula.

Naniniwala ang mga namumuno sa Imus na ang paglilingkod sa bayan ay walang pinipiling relihiyon.