City of Imus

Sun Life Cycle PH sa Imus, matagumpay na nilahukan ng 1,385 cyclists



April 7



Muling ginanap ngayong taon ang Sun Life Cycle PH sa Vermosa, Lungsod ng Imus nitong Abril 7, 2024 na layong mahikayat ang buong pamilyang magbisikleta.

Tampok ang pitong kategoryang pangpamilya, nakasamang magbisikleta ng 1,385 kalahok ang sikat na aktor na si Piolo Pascual at ang batikang mamamahayag na si Kara David.

Naging bahagi rin nito sina City Administrator Tito Monzon, City Information Officer Ervin Ace Navarette, at City Tourism and Heritage Office Officer-in-charge Dr. Jun Paredes.

Ang Sun Life Cycle PH ay ang taunang cycling event na pinangungunahan ng Sun Life, at sa ikalawang taon ay katuwang nito ang Pamahalaang Lungsod ng Imus.