City of Imus

City College of Imus, idinaos ang unang graduation ceremony ngayong taon



April 5



Ganap nang nagtapos ang 362 mag-aaral mula sa 22 vocational programs ng City College of Imus (CCI) noong Abril 5, 2024 na ginanap sa City of Imus Sports Complex.

Sa 362 nagtapos, 62 ang nakatanggap ng mga pagkilala. Pinangunahan ito ni Madel A. Lim at sinundan nina Beverly T. Atienza at Ahron Dave D. Paparon.

Ang nasabing seremonya ay dinaluhan ni City Administrator Tito Monzon bilang kinatawan ni City Mayor Alex “AA” L. Advincula at ni CCI Officer-in-charge Vicky Calitis.

Sa pamamagitan ng CCI, libreng nakapag-aaral ang mga Imuseño ng iba’t ibang technical vocational courses.