City of Imus

Imus, pinarangalan ng Seal of Child-friendly Local Governance



April 4



Pormal na tinanggap ng Pamahalaang Lungsod ng Imus ang Seal of Child-friendly Local Governance noong Abril 4, 2024 sa City of Carmona, Cavite.

Isang patunay na tuloy-tuloy ang pagsasagawa nito ng mga programang nagbibigay-prayoridad sa kapakanan at pag-angat ng mga bata at kabataang Imuseño.

Matatandaang nakapasa sa 2022 Seal of Child-friendly Local Governance Audit ang Pamahalaang Lungsod kasama ang 62 lokal na pamahalaan sa CALABARZON.