City of Imus

Sugod Bahay, muling sinimulan ni Mayor AA



November 22



CITY of Imus Sports Complex — Nasaksihan ni City Mayor Alex “AA” L. Advincula ang iba’t ibang natutunang kasanayan ng mga mag-aaral ng Tech-Voc Department ng City College of Imus (CCI) sa ginanap na “Angat ang may Abilidad” Showcasing of Skills nitong Nobyembre 24, 2023.

Ipinakita ng batch 3 trainees ng Tech-Voc ang kanilang mga natutunan sa bartending, barista, food and beverage services, automotive, dress making and tailoring, curtain making, hair dressing, welding, housekeeping, cake decorating, cookery, at computer literacy.

Naghandog din ang mga mag-aaral ng libreng tinapay at pastries, meat products, masahe, at computer checkup sa mga dumalo.

Ang “Angat ang may Abilidad” Showcasing of Skills ay isinasagawa ng CCI bilang bahagi ng pagtatapos ng mga mag-aaral mula sa libreng vocational courses na itinuturo nito.