City of Imus

Sen. Imee ipinagdiwang ang kaarawan sa Imus



November 12



IMUS, Cavite — Pamamahagi ng biyaya ang handog ni Senador Imee Marcos sa mahigit 3,000 Imuseño sa kaniyang pagbisita sa Lungsod ng Imus nitong Nobyembre 19, 2023 bilang bahagi ng patuloy na pagdiriwang ng kaniyang kaarawan ngayong buwan.

Sa pamamagitan ng programang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), nakatanggap ng P3,000 ang 1,000 Imuseñong lubos na nangangailangan, kabilang na ang walong senior citizens na ipinagdiwang din ang kanilang kaarawan nitong Nobyembre 12, 2023, mismong kaarawan ni Sen. Imee.

Dinala rin ng senador ang kaniyang #IMEEmukbang na isang boodle fight upang makasama sa hapagkainan ang mga Imuseño.

Samantala, binisita naman ng senador ang Cavite State University (CvSU) – Imus, kung saan pinamahagian niya ng educational assistance na nagkakahalagang P5,000 ang humigit-kumulang 2,000 mag-aaral ng unibersidad sa tulong muli ng programang AICS ng DSWD. Pinagkalooban din ni Sen. Imee ng computer package ang naturang unibersidad.

Ang pagdiriwang ay dinaluhan din nina Cavite Third District Representative Adrian Jay “AJ” C. Advincula, Imus City Mayor Alex “AA” L. Advincula, Imus City Vice Mayor Homer T. Saquilayan, at ng mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod ng Imus.