City of Imus

Imus, kinilala sa 5 competitiveness index sa CMCI Provincial Recognition



November 10



GENERAL Trias, Cavite — Ginawaran ang Pamahalaang Lungsod ng Imus ng limang parangal sa 3rd Cavite Cities and Municipalities Competitiveness Index (CMCI) Provincial Post-Evaluation and Recognition ng Provincial Competitiveness Committee ng Department of Trade and Industry (DTI) Cavite noong Nobyembre 10, 2023.

Sa ilalim ng Component Cities category, itinanghal ang Imus bilang Rank 1 sa Government Efficiency, Rank 1 sa Resiliency, Rank 3 sa Economic Dynamism, at Rank 3 sa Innovation. Gayon din ang paggawad ng Improved Ranking dahil sa pag-angat nito mula Rank 25 hanggang Rank 20.

Taon-taon, kinikilala ng Cavite CMCI ang mga lungsod at munisipalidad na pinatutunayan ang kanilang kakayahan sa limang haligi ng pamamahala. Kinabibilangan ito ng economic dynamism, government efficiency, infrastructure, resiliency, at innovation.

Nakamit ng Pamahalaang Lungsod ng Imus ang mga nasabing pagkilala sa pangunguna ng Imus Local Economic Development and Investment Promotions Office.