City of Imus

Imus LGU, naghandog ng bagong mobil sa PNP Imus at CDRRMO



November 6



IMUS City Government Center — Opisyal nang ipinagkaloob ng Pamahalaang Lungsod ng Imus ang 10 bagong mobil ng Imus Pulis, dalawang mobil ng Special Weapons and Tactics (SWAT) Team, at dalawang bagong sasakyan ng rescue team ng Imus City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) nitong Nobyembre 6, 2023.

Sa kaniyang pagbati, nakiusap si City Mayor Alex “AA” L. Advincula na pakaingatan hindi lamang ang mga bagong mobil kung ‘di pati na rin ang kaligtasan ng mamamayang Imuseño.

“Ito pong ibibigay ng city government na mobil, sana po ay magamit at maramdaman ng ating bayan na safe sila. At ang aking bilin . . . sana ay panatilihin ang pagiging malinis; sana ay panatilihin ang pagtigil sa tamang pipigilan,” saad ni Mayor AA.

Ang pagbabasbas ay pinangunahan ni Father Benjie Francisco, kasama sina Vice Mayor Homer T. Saquilayan, mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod ng Imus, Imus Pulis, at ang Imus CDRRMO.

Bago matapos ang kaniyang maikling talumpati, pinaalalahanan din ng alkalde ang kaniyang mga kapwa serbisyo publiko na maging tapat sa kanilang paglilingkod.

“Sana ay maging huwaran tayo sa ating mga kababayan, at sana huwag na huwag maabuso ang ating mga kababayang Imuseño,” pagtatapos ni Mayor AA.