City of Imus

Oath-taking ng mga nanalo sa BSKE 2023 isinagawa



November 6



IMUS, Cavite — Pinangunahan ni City Mayor Alex “AA” L. Advincula ang panunumpa ng mga bagong halal na opisyal ng Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) sa Imus noong Nobyembre 6, 2023.

Kinabibilangan ito ng mga punong barangay at kanilang kagawad, SK chairpersons at SK kagawad mula sa 97 barangay.

Nakasama rin dito sina Congressman Adrian Jay “AJ” C. Advincula, Vice Mayor Homer “Saki” T. Saquilayan, at mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod ng Imus.

Hinirang na rin ang bagong SK Federation officers kasabay ng isinagawang oryentasyon noong Nobyembre 13. Kinilalang SK President si Chelsea Sarno, Vice President si Glian Ilaga, Secretary si Lynette Alejandro, Treasurer si Amos Barco, Auditor si Christel Mecono, Public Relations Officer si Nicolas Morota, at Sergeant-at-arms si Diwata Prijoles.

Ginanap din mula Nobyembre 7–10 ang apat na araw na mandatory training ng mga bagong opisyal ng SK at miyembro ng Local Youth Development Council sa pangunguna ng City of Imus Youth Affairs Office at SK Federation Office, katuwang ang Department of the Interior and Local Government – Imus.

Tinalakay rito ang Decentralization and Local Governance, Sangguniang Kabataan History and Salient Features, Meetings and Resolution, Planning and Budgeting, at Code of Conduct and Ethical Standards upang masigurong maaayos nilang magagampanan ang kanilang sinumpaang tungkulin.

Nakasaad sa Republic Act No. 10742, o ang SK Reform Act of 2015, na kinakailangang sumailalim sa isang mandatory training program ang mga opisyal ng SK at mga miyembro ng LYDC bago nila simulang manungkulan.