City of Imus

kAAlalay sa Undas 2023



Oct 31 - Nov 2



IMUS, Cavite — Inalalayan ng Pamahalaang Lungsod ng Imus ang mga Imuseñong bumisita sa kanilang mga namayapang mahal sa buhay sa iba-ibang sementeryo sa Imus ngayong Undas 2023, Oktubre 31 – Nobyembre 2, 2023.

Kasabay ng pagbisita ni City Mayor Alex “AA” L. Advincula sa puntod ng kaniyang mga magulang, kinumusta rin ng alkalde ang mga Imuseñong inalala ang mga namayapa nilang mahal sa buhay sa Toclong Public Cemetery, Angelus Eternal Garden, Eden Memorial Park, Alapan Public Cemetery, Rita Samson Memorial Garden, at Garden of Tranquility.

Umalalay rin ang Pamahalaang Lungsod sa publiko sa pamamagitan ng pagbibigay ng libreng tubig, kape, wheelchair assistance, first aid, at phone charging sa mga itinalagang command post ng Imus City Disaster Risk Reduction and Management Office.

Taon-taon, sinisiguro ng lokal na pamahalaan ng Imus ang payapa at maayos na pagbisita ng mga Imuseño sa mga yumao nilang mahal sa buhay sa pamamagitan ng pag-alalay sa mga ito.