City of Imus

Dunong at Lakas: Pagkilala sa mga atletang Imuseño



October 9



IMUS City Government Center — Pinangunahan ni City Mayor Alex “AA” L. Advincula ang pagkilala sa 132 kabataang atletang Imuseño at kanilang mga coach sa pagdaos ng Dunong at Lakas Awarding Ceremony noong Oktubre 9, 2023.

Isa ito sa mga paraan ng Pamahalaang Lungsod ng Imus upang kilalanin ang husay ng mga atletang Imuseñong nag-uwi ng mga parangal sa kanilang paglahok sa 2023 Regional Athletic Association Meet na ginanap noong Marso 24 – Abril 16 at sa 2023 Palarong Pambansa na ginanap naman noong Hulyo 29 – Agosto 5.

Pinatunayan ng mga kabataang Imuseñong kayang-kaya nilang makipagtagisan sa larangan ng athletics, swimming, football, chess, taekwondo, tennis, volleyball, at maging sa kategoryang special education ng athletics at ng swimming.

Kasama rin sa mga nagbiga-pagbati sa mga atleta ang Sangguniang Panlungsod ng Imus sa pangunguna ni Vice Mayor Homer T. Saquilayan at ang Imus City Sports Development Unit.

Ang Regional Athletic Association Meet ay taunang idinaraos sa buong CALABARZON upang makapili ng mga atletang sasabak sa taunang paligsahan na Palarong Pambansa ng Department of Education.