City of Imus

2023 Elderly Filipino Week: Paghatid ng libreng serbisyo sa 4,000 senior citizens ng Imus LGU



October 2-6



IMUS, Cavite — Sa pangunguna ng Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA), nahatiran ng libreng serbisyo ang 4,050 lolo at lola noong Oktubre 2 – 6, 2023 bilang bahagi ng pagdiriwang ng Pamahalaang Lungsod ng Imus sa 2023 Elderly Filipino Week na may temang “Honoring the Invaluable Legacy of Filipino Senior Citizens.”

Nabigyan dito ng libreng gupit, manicure, at flu vaccines ang mga lolo at lolang kasapi sa 140 senior citizens associations sa lungsod.

Katuwang din sa naturang selebrasyon ang mga tanggapan nina City Mayor Alex “AA” L. Advincula, Vice Mayor Homer T. Saquilayan at Konsehal Yen Saquilayan, Imus City Health Office, at Imus Senior Citizens Association Inc.

Ang Elderly Filipino Week o Linggo ng Katandaang Pilipino ay taunang ipinagdiriwang tuwing unang linggo ng Oktubre. Batay ito sa Proklamasyon Blg. 470, taong 1994, na layong mabigyang-pansin ang mga pangangailangan ng senior citizens sa bansa.

Sa pakikiisa ng Pamahalaang Lungsod ng Imus, patuloy itong maghahatid ng mga serbisyo at programang nakasentro sa kapakanan ng mga Imuseñong lolo at lola.