City of Imus

Ngiting Chikiting: AAlagaan ang Ngipin, hatid ni Cong. AJ



June



IMUS Sports Complex — Upang maituro ang wastong pangangalaga sa ngipin ng mga bata, inilunsad ni Congressman Adrian Jay “AJ” C. Advincula ang “Ngiting Chikiting: AAlagaan ang Ngipin” para sa mga batang Imuseñong edad tatlo hanggang lima nitong Hunyo 20, 27, at 29, 2023.

Dito, natutunan ng 1,024 na bata ang tamang paraan ng pagsisipilyo ng ngipin sa tulong ng Imus City Health Office, Office of the Provincial Governor, Provincial Health Office, Imus City Social Welfare and Development Office, at Colgate Philippines.

Bukod sa libreng fluoride application, nakatanggap din ang mga bata ng dental kits.

Ang “Ngiting Chikiting: AAlagaan ang Ngipin” ay isa sa mga proyektong prayoridad ni Cong. AJ para sa pangangalaga ng kalusugan ng mga kabataang Imuseño.