City of Imus

80 organisasyon, dumalo sa CSO Conference



August 4, 2022



IMUS CITY GOVERNMENT CENTER—Kaugnay ng Accreditation of Civil Society Organizations (CSOs) and the Selection of Representatives to the Local Special Bodies (LSB), idinaos ng Pamahalaang Lungsod ng Imus ang CSO Conference noong ika-4 ng Agosto na dinaluhan ng humigit-kumulang 80 organisasyon.

Ang naturang conference ay pinangunahan ni Konsehal Jelyn Maliksi—bilang Chairperson ng Committee on People’s Organization and Non-Governmental Organizations’ Accreditation—kasama sina City Mayor Alex “AA” L. Advincula at City Vice Mayor Homer “Saki” Saquilayan.

Sa aktibidad na ito napag-usapan ang relevance of participatory governance; guidelines on local government unit (LGU) accreditation of CSOs and reconstitution of LSBs; avenues of CSO participation; at encouraging the formation of a local CSO Network.

Ang CSOs ay kinabibilangan ng non-state at non-profit organizations, gaya ng community-based at non-governmental organizations na layuning maisulong ang mga pangangailangan ng mamamayan sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa pamahalaan.

Buong suporta naman ang ibinibigay ng Pamahalaang Lungsod ng Imus, sa pangunguna ni Mayor AA, sa CSOs na katuwang nito sa paglilingkod sa bayan.