Opisyal na inihandog ng Pamahalaang Lungsod ng Imus, sa pangunguna ni Imus City Mayor Alex “AA” L. Advincula, ang bagong sasakyan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Imus City Jail Male Dormitory noong Setyembre 7, 2026, sa New Imus City Government Center, bilang bahagi ng patuloy na suporta ng lokal na pamahalaan sa ahensya. Malugod na tinanggap ni City Jail Warden – Male Dormitory JCINSP Charles Kenneth M. Maquera ang bagong sasakyan, kasama si Deputy Warden JINSP Robert A. Tolledo at iba pang kawani ng naturang ahensya, gayundin sina City Local Government Operations Officer Roxanne Vicedo at City of Imus Peace and Order Council Focal Person Rizalyn Ochoa. Hangad ng Pamahalaang Lungsod ng Imus na mapalakas pa ang operasyon at serbisyo ng Imus BJMP para sa kaligtasan at kaayusan ng lungsod, sa pamamagitan ng pagbibigay ng makataong serbisyo sa mamamayan. View this article on Facebook
