City of Imus

Cavite LGU muling bumisita sa Imus para sa Ugnayan sa Barangay


September 3, 2026



Mainit ang pagsalubong ng 2,000 residente ng Barangay Malagasang Dos kina Cavite Governor Abeng Remulla at Cavite Vice Governor Ram Revilla Bautista sa kanilang muling pagbisita sa Lungsod ng Imus noong Setyembre 3, 2026, para sa ‘Ugnayan sa Barangay.’

Nakipagkumustahan at nakipagkulitan ang governor at vice governor sa mga residente, kasama sina Imus City Mayor Alex “AA” L. Advincula, Imus City Vice Mayor Homer T. Saquilayan, Congressman Adrian Jay “AJ” C. Advincula, Cavite Sangguniang Kabataan Federation President Chelsea Sarno, at ang buong Sangguniang Panlungsod ng Imus.

Nahatiran din ang mamamayan ng mga serbisyo at programa mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Cavite.

Patuloy ang pakikipagtulungan ng Pamahalaang Lungsod ng Imus sa iba’t ibang tanggapan at ahensya ng pamahalaan para sa kapakanan ng bawat Imuseño.

View this article on Facebook