Opisyal nang inilunsad ng Office of the City Mayor – Public Employment Service Office, sa pangunguna ni OfficerinCharge (OIC) Gng. Cecile Foz, ang Career Development Support Program (CDSP) noong Setyembre 2, 2026, sa Function Hall, New Imus City Government Center, upang magabayan ang bawat mag-aaral ng junior at senior high school sa pagpili ng karerang kanilang tatahakin. Ibinahagi ni Zsahara Martinez ng Department of Labor and Employment (DOLE) Cavite ang kahalagahan ng career readiness at tamang pagpaplano ng landas sa trabaho. Kasabay nito, isinagawa ang opisyal na pagpirma ng Memorandum of Understanding sa pagitan ng Pamahalaang Lungsod ng Imus, sa pangunguna ni Imus City Mayor Alex “AA” L. Advincula, at Department of Education – Schools Division Office, pinamumunuan ni OIC–Schools Division Superintendent (SDS) G. Lito A. Palomar, para sa pagpapatupad ng CDSP sa junior at senior high schools sa lungsod. Sa kauna-unahang pagkakataon din ay bahagi na ng programang ito ang mga pribadong paaralan sa Imus. Dumalo rin sa programa sina Imus City Vice Mayor Homer Saquilayan, Assistant DS Dr. Glenda Catadman, Dr. Marietta Opulencia at Lorina Advincula mula sa Association of Private Schools in the City of Imus, Principal Rafael Santos ng General Pantaleon Garcia Senior High School, Informatics Campus Director Yolanda A. Sliveres, at Head of Trainers Jay Mercado ng City College of Imus, bilang pagpapakita ng kanilang suporta sa inilunsad na programa. Sa pamamagitan ng CDSP, pinalalakas pa ng Lungsod ng Imus ang pakikipag-ugnayan sa mga paaralan, pampubliko o pribado man, upang suportahan ang mga kabataan sa paggawa ng wastong desisyon para sa kanilang karerang pipiliin at trabahong kakaharapin. View this article on Facebook
