Opisyal nang pinasinayaan ang kauna-unahang pagbisita ng Barangay Congsultation sa Barangay Pasong Buaya II nitong Agosto 22, 2026, upang makapaghatid ng iba’t ibang libreng serbisyo mula sa pamahalaang nasyunal. Tinatayang naserbisyuhan ang 952 Imuseño sa Barangay Pasong Buaya II ng tulong medikal at pampalibing mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), pagrerehistro at libreng gamot na hatid ng PhilHealth YAKAP (Yaman ng Kalusugan Program), guarantee letter mula sa Department of Health (DOH), scholarship mula sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), Tulong Dunong Scholarship mula sa Commission on Higher Education (CHED), gayundin ang libreng konsultasyon sa mata, libreng reading glasses, at libreng pustiso. Pinakinggan din ni Congressman Adrian Jay “AJ” C. Advincula ang mga kuwento at hinaing ng mga residente sa kanyang personal na pangungumusta. Magpapatuloy ang pag-iikot ng Barangay Congsultation upang mas marami pang Imuseño ang mahatiran ng serbisyo mula sa pamahalaang nasyunal. View this article on Facebook
