City of Imus

498 mag-aaral, Batch 2 sa mga nagsipagtapos sa CCI ngayong taon


Agosto 24, 2026



Matagumpay na nagtapos ang 498 mag-aaral sa batch two Graduation Ceremony ngayong taon ng City College of Imus (CCI) na ginanap nitong Agosto 24, 2026, sa City of Imus Sports Complex.

Pinangunahan ni CCI Administrator Dr. Janice T. Ilano ang programa, katuwang si CCI Instructor Maria Miniaha Guinucud na nagbigay ng inspirasyunal na mensahe sa mga nagsipagtapos.

Dumalo rin sa seremonya sina Imus City Mayor Alex “AA” L. Advincula, Pastor Benjo Arellano, at Hermie T. Acapuyan kinatawan mula sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Provincial Office upang personal na magpaabot ng pagbati at magbigay ng mensahe ng inspirasyon sa mga nagsipagtapos.

Patunay na ang Pamahalaang Lungsod ng Imus ay patuloy na nagbibigay ng de-kalidad na edukasyong teknikal at bokasyonal upang marami pang mga Imuseño ang mabigyan ng mas malawak na oportunidad sa paghahanapbuhay.

View this article on Facebook