City of Imus

Ospital ng Imus, Philippine Pediatric Society nagtulungan para sa nationwide breastfeeding activity


Agosto 12, 2026



Idinaos ang Hakab ‘Ta 2026: Nationwide Breastfeeding Activity noong Agosto 12, 2026, sa Ospital ng Imus, katuwang ang Philippine Pediatric Society (PPS), bilang bahagi ng patuloy na kampanya para mahikayat ang mga nanay na magpasuso ng kanilang mga anak, higit sa mga unang buwan nito.

Nakibahagi sa pagsusulong nito ang 52 bagong panganak na mga ina kasama ang kanilang mga sanggol. Natutuhan din ng mga nanay ang wastong pagpapasuso at ang benepisyo nito hindi lamang sa mga sanggol, kundi pati na rin sa mga nanay.

Nanguna sa naturang aktibidad sina Chief of Hospital Dr. Gabriel Gabriel, Dr. Frances Cayomba, Dr. Farrah Adap, at Lyn Reyes.

Nakatanggap din ang mga nanay ng mother-baby package bilang kanilang pakikiisa sa aktibidad.

Ang buwan ng Agosto ay National Breastfeeding Awareness Month, alinsunod sa Batas Republika Blg. 10028, o “Expanded Breastfeeding Promotion Act of 2009.” Isinusulong ng obserbasyon na ito ang mainam na pagpapasuso sa mga sanggol sa unang anim na buwan.

View this article on Facebook