isinulat ni Renzie Mae Cuevas Nakibahagi si Imus City Mayor Alex “AA” L. Advincula sa ginanap na 82nd National Executive Board Meeting ng League of Cities of the Philippines (LCP) sa Lungsod ng Lapu-Lapu, Cebu noong Hulyo 15, 2026. Tinalakay sa naturang pulong ang epektibong pagpapatupad ng mga programa at proyekto ng pambansang pamahalaan sa mga lokal na lungsod. Nagbahagi ang mga alkalde mula sa iba’t ibang lungsod ng mga aktibong paraan para harapin ang mga araw-araw na hamon na kanilang nararanasan tungo sa mas mahusay at mas mabuting pamamahala para sa kani-kanilang mga nasasakupan. publiko. Bilang tagatuos ng LCP, sinisiguro ni Mayor AA na mas magiging epektibo ang pagpapatupad ng kanyang administrasyon ng mga programang makatutulong sa bawat Imuseño. View this article on Facebook
