isinulat ni Shaina Danielle Sy Dumalo si Imus City Mayor Alex “AA” L. Advincula sa ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ginanap sa House of Representatives, Batasang Pambansa Complex, Quezon City nitong Hulyo 27, 2026. Ayon sa Facebook post ng alkalde, maraming inilatag na plataporma sa naganap na SONA, at ito ay mahalagang maisalin sa kongkretong serbisyo para maramdaman ng bawat Pilipino. Bukod sa alkalde ay dumalo rin sa nasabing pagpupulong si Congressman Adrian Jay “AJ” C. Advincula na siya namang kasalukuyang kinatawan ng ikatlong distrito ng Cavite sa ika-labing siyam na Kongreso. “Patuloy po nating gagawin ang ating bahagi upang ang bawat magandang plano ay maging tunay na serbisyo para sa ating mga kababayan,” pahayag ni Mayor AA sa kanyang Facebook post. View this article on Facebook
