isinulat ni Joshua Beso Pinagtibay ang pag-iibigan ng 18 pares sa isinagawang Kasalang Imuseño nitong Hulyo 22, 2026, sa Functional Hall, New Imus City Government Center. Pinangunahan ang seremonya ni Imus City Mayor Alex “AA” L. Advincula na sinimulan sa isang taimtim na panalangin ni Pastor Ramil Ilano. Nagpaabot din ng taos-pusong pagbati at kagalakan si Congressman Adrian Jay “AJ” C. Advincula, sa pamamagitan ng isang video message, sa mga bagong mag-asawa. Ang bawat bagong kasal ay tumanggap ng mga handog mula sa Pamahalaang Lungsod ng Imus bilang simbolo ng suporta sa bagong yugto ng kanilang buhay. Sa kabuuan, umabot na sa 936 pares ang mga mag-asawang opisyal na pinag-isa sa ilalim ng programang Kasalang Imuseño. View this article on Facebook