isinulat ni Joshua Beso Umabot sa kabuuang 166 na alagang hayop ang kinapon sa isinagawang Quick Spay and Castration Training Program ng Office of the City Veterinarian sa pangunguna ni City Veterinarian Dr. Maribel Depayso-Reyes, katuwang ang Small Animal Practitioner Association of the Philippines Inc. (SAPAPI) at City Veterinary Office ng Lungsod ng San Jose Del Monte, noong Hulyo 15–16, 2026, sa Child Youth Development Center, Imus Pilot. Sa kabuuan, 52 pusa at 28 aso ang isinailalim sa spay, habang 53 pusa at 33 aso naman ang na-neuter. Nakiisa sa programa ang mga beterinaryo mula sa SAPAPI at City Veterinary Office ng Lungsod ng San Jose Del Monte na sina Dr. Russell Tianzon, Dr. John Dela Cruz, at Dr. Aldrin Esteban. Nagbahagi rin ng kanilang kaalaman sina Dr. Harris Constantino, Dr. Rhoda Baquiran, Dr. Jonarel Andres, Dr. Arby Banaag, at Dr. Gemma Jacinto-Agapito, samantalang nagsilbing mentors sina Dr. Rhommel Mendoza, Dr. Ronell Soriano, Dr. Voltaire Basinang, Dr. Joanne Mar Sengsy, at Dr. Marjette Tirona upang gabayan ang mga pet owner sa pag-aalaga at praktikal na pamamaraan ng pagkakapon. Layunin ng pagsasanay na bigyan ang mga dumalo ng sapat na kaalaman at praktikal na kasanayan upang maisagawa ang ligtas, mahusay, at mataas na kalidad ng pagkakapon. View this article on Facebook
