isinulat ni Joshua Beso Mahigit 800 Imuseño ang nakiisa sa isinagawang Cityhood Mega Job Fair ng City of Imus Public Employment Service Office (PESO), sa pangunguna ni Officer-in-Charge Cecile Foz, bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-14 na anibersaryo ng pagiging lungsod ng Imus nitong Hunyo 30, 2026, sa The District Imus. Sa naturang job fair, 70 aplikante ang agad na natanggap sa parehong araw. Tinatayang nasa 28 lokal na kumpanya at ahensya ang lumahok upang magbigay ng oportunidad sa mga naghahanap ng trabaho. Personal ding nagbigay ng suporta si Konsehal Atty. Wency Lara sa aktibidad, higit sa mga Imuseñong naghahanap ng bagong trabaho. Ang naturang programa ay bahagi ng patuloy na pagsusumikap ng Pamahalaang Lungsod ng Imus upang maging tulay sa mamamayan tungo sa mas malawak na oportunidad sa trabaho. Asahan pa ang patuloy na pagsasagawa ng Imus PESO ng mga programang makatutulong sa paghahanapbuhay ng mga Imuseño, lokal man o internasyonal. View this article on Facebook
