City of Imus

Pakikiisa ng Imus LGU sa pagdiriwang ng Arbor Day


June 25, 2026



Nakiisa ang Pamahalaang Lungsod ng Imus sa selebrasyon ng Philippine Arbor Day nitong Hunyo 25, 2026, sa Barangay Anabu I-G, sa pangunguna ng Office of the City Environment and Natural Resources Officer (OCENRO) Gng. Dorotea Sagenes,

Bahagi ito ng layunin ng lokal na pamahalaan na mahikayat ang mga Imuseñong pangalagaan ang kalikasan at pahalagahan ang kanilang kapaligiran sa pamamagitan ng pakikiisa sa pagtatanim ng puno.

Tinatayang mahigit 200 katao ang nakilahok, kasama ang mga opisyal ng Barangay Anabu I-G.

Tinalakay rin sa naturang aktibidad ni Nerea Defensor mula sa OCENRO ang kahalagahan ng mga puno at ang pagtatanim nito sa mga komunidad, partikular na sa Imus.

Binigyang-diin din niya ang papel ng pagtatanim sa pagpapanatili ng malinis na hangin at dagdag na nutrisyon at pagkain para sa mga residente.

View this article on Facebook