City of Imus

2 bagong palikuran sa INHS, pinasinayaan ng Imus LGU


June 23, 2026



isinulat ni Joshua Beso

Bilang tugon sa kakulangan sa maayos na palikuran, dalawang bagong palikuran ang inihandog ng Pamahalaang Lungsod ng Imus para sa mga mag-aaral ng Imus National High School (INHS) nitong Hunyo 23, 2026.

Pinangunahan ni Imus City Mayor Alex “AA” L. Advincula ang pagbabasbas at ribbon cutting ng mga palikuran na sinaksihan ng pamunuan ng paaralan at mga mag-aaral.

Nagbigay naman ng basbas si Gener Nazaire, bilang tanda ng pasasalamat dahil sa dagdag na ginhawa ng bagong palikuran sa mga mag-aaral.

Ang proyektong ito ay bahagi ng patuloy na layunin ng lokal na pamahalaan upang palakasin ang sektor ng edukasyon at tiyakin na ang bawat Imuseño ay may ligtas, malinis, at maayos na pasilidad sa kanilang pag-aaral.

Sa pamamagitan din ng bagong palikuran, inaasahang mas mahihikayat ang mga estudyanteng pahalagahan ang kalinisan at disiplina sa loob ng paaralan.

View this article on Facebook