City of Imus

16 drinking fountains, tinanggap ng Imus LGU mula Maynilad


June 23, 2026



Pormal na ipinagkaloob ng Maynilad Water Services, Inc. sa Pamahalaang Lungsod ng Imus ang 16 na drinking fountain nitong Hunyo 23, 2026, sa Imus National High School (INHS) na handog ng Maynilad para magkaroon ng libreng malinis na inuming tubig ang mga mag-aaral sa naturang paaralan.

Una nang ibinigay sa INHS ang limang drinking fountain, kung saan malugod itong tinanggap ni School Principal Petronia N. Tarun.

Personal ding tinanggap nina Imus City Mayor Alex “AA” L. Advincula at Officer-in-Charge—Schools Division Superintendent Lito Palomar ang pormal na paghahandog at pagpirma sa kasunduan, kasama si Maynilad Chief Operating Officer Christopher Jaime T. Lichauco.

Nakatakdang ilagay ang 11 pang drinking fountain sa iba’t ibang pampublikong paaralan sa lungsod.

View this article on Facebook