Pormal na kinilala ng Pamahalaang Lungsod ng Imus nitong Hunyo 22, 2026, sa New Imus City Government Center ang 34 na atleta at coach na nagkamit ng kahanga-hangang tagumpay sa ginanap na 2026 Palarong Pambansa noong Mayo 24–31, sa Agusan del Sur. Nanguna sa paggawad ng parangal sa mga atleta sina Imus City Mayor Alex “AA” L. Advincula, Schools Division Superintendent (SDS) Officer-in-Charge (OIC) Dr. Lito Palomar, Assistant SDS Dr. Glenda Catadman, at City of Imus Sports Development Unit OIC Jericho Reyes. Ipinagkaloob din sa mga atleta at coach ang cash incentive mula sa lokal na pamahalaan na bahagi ng pagbibigay-pugay sa mga atletang nag-uwi ng karangalan sa lungsod. Ang mga natatanging atletang kinilala ay sina: Charles Nathan Boneo – hinirang bilang Most Outstanding Swimmer sa kategorya ng Elementary Boys at nasungkit ang anim na gintong medalya at isang pilak na medalya sa larangan ng swimming: 🥇400 Freestyle (4:30.63) – Record Break (1 year) 🥇 50 Freestyle (26.67) – Final Time 🥇 50 Butterfly (27.77) – Record Break (26 years) 🥇 100 Freestyle (57.91) – Record Break (13 years) 🥇 100 Butterfly (1:02.41) 🥇 4x100 Medley Relay (4:40.37) – Record Break (11 years) 🥈 4x50 Freestyle Relay (1:57.42) Monika Miracle Eromole – nag-uwi ng isang gintong medalya at isang tansong medalya sa kategoryang Athletics Secondary Girls: 🥇 Long Jump 🥉 Triple Jump Erica Mae Risco – naabot ang gintong medalya sa Athletics Special Needs Education (SNED): 🥇 Running Long Jump Imus Arsenal Softball Elementary (Aksyon Atleta Program) – kampeon sa kategoryang Softball Elementary Girls matapos makapuntos ng siyam laban sa lima ng rehiyon ng Negros Island sa championship game. Ang koponan ay kinabibilangan nina: 🥇 Alexandria Louisse E. Agustin, Colline F. Alcacaz, Rheami Cabidog, Ana Rose T. Cabrillo, Ma. Verlyn Lou Darang, Arvee A. Baja, Dhallia Mae M. Eneran, Zabrene E. Corlet, Alia B. Jai, Aiah Shiin G. Magyani, Marian L. Limpin, Eljay B. Manuel, Kimberly C. Raga, Desyred B. Vilar, at Aliana B. Jai Matt Aaron Nerison – naabot ang dalawang pilak na medalya sa Swimming Boys’ Category: 🥈 4x50 Free Relay 🥈4x100 Medley Relay Precilla Paje – tumindig na makuha ang pilak na medalya sa Athletics Elementary Girls’ Category: 🥈 Long Jump Princess Praise Eromole – bahagi ng koponang CALABARZON Heroes sa larangan ng swimming na nag-uwi ng pilak na medalya sa Secondary Girls’ Category: 🥈 4x100M Relay Princess Micaella Mendoza – Nasungkit ang pilak na medalya sa kategoryang Taekwondo‑Kyorugi Elementary Girls: 🥈168 cm Zhane Angelyn Mansueto – ipinamalas ang tibay ng pulso matapos makuha ang tansong medalya sa SNED Bocce Team Event: 🥉Bocce Team Event Ang mga tagumpay ng mga kabataang atletang Imuseño ay patunay sa suporta ng Pamahalaang Lungsod ng Imus sa larangan ng palakasan. Patuloy rin nitong susuportahan ang mga atleta sa pamamagitan ng iba’t ibang programang ukol sa pang-palakasan. View this article on Facebook
