City of Imus

Imus LGU, Top 3 at Top 8 fastest eBOSS sa bansa


June 1, 2026



Isinulat ni Joshua Beso

Kinilala ang Pamahalaang Lungsod ng Imus bilang Top Three Fastest Electronic Business One-Stop Shop (eBOSS) for Renewal of Business Permits at Top Eight Fastest eBOSS for New Application of Business Permits sa ginanap na Anniversary Month Culmination ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) noong Hunyo 1, 2026, sa Lungsod Quezon.

Ipinagkaloob ang eBOSS Award sa mga natatanging lungsod at munisipalidad sa bansa na epektibong naipoproseso ang mga bagong aplikasyon at renewal ng business permits.

Ang parangal na ito ay patunay sa kahusayan ng Imus sa mabilis at maayos (malinaw) na pagproseso ng business permits, alinsunod sa digital governance at mahusay na pamamahala para sa bawat Imuseño.

View this article on Facebook