Isinulat ni Marian Kristine Foz Inalala ng Pamahalaang Lungsod ng Imus, sa pangunguna ng Office of the City Tourism and Heritage Officer (OCTHO), ang Ika-140 anibersaryo ng kapanganakan ng Imuseñong si Francisca Tirona Benitez noong Hunyo 4, 2026, sa Imus Pilot Elementary School. Si Francisca Tirona Benitez ay kabilang sa mga nagtatag ng prestihiyosong Philippine Women's University (PWU) noong Hunyo 9, 1919, na kinilala bilang kauna-unahang unibersidad para sa kababaihan sa Asya. Bilang isa ring mahusay na guro at tagapagsulong ng karapatan ng kababaihan, nag-iwan si Francisca ng makabuluhang kontribusyon sa larangan ng edukasyon at pagkakapantay‑pantay na tumatak sa kasaysayan ng bansa. Binigyang-pugay ang kanyang buhay nina City Administrator Larry Monzon, bilang kinatawan ni Imus City Mayor Alex "AA" L. Advincula, Konsehal Yen Saquilayan, Acting City Tourism and Heritage Officer Dr. Jun Paredes, Dr. Elmer Dayrit, principal ng Francisca Tirona Benitez Integrated School, Chief Executive Officer Anna Leah Sarabia ng Gota de Leche Manila, PWU President Marco Alfredo Benitez, at mga inapo ni Francisca Tirona Benitez sa pamamagitan ng pag-aalay ng bulaklak sa kanyang panandang pangkasaysayan. Ang kanyang kontribusyon sa larangan ng edukasyon ay nagsilbing inspirasyon sa mga kababaihang Pilipino upang patuloy na ipagtaguyod ang kanilang karapatan kabilang sa pagpapaunlad ng lipunan View this article on Facebook
