Tinanggap ng 48 fire volunteers ang kanilang insurance cards mula sa Pamahalaang Lungsod ng Imus, kasabay ng isang salusalo kasama si Imus City Mayor Alex “AA” L. Advincula nitong Mayo 26, 2026, sa Function Hall, New Imus City Government Center. Isa ito sa mga paraan ng lokal na pamahalaan upang pasalamatan at bigyan ng karagdagang seguridad at suporta ang fire volunteers sa kanilang paglilingkod. Ipinaliwanag ni Trina de Leon ang mga benepisyo at proseso kung sakaling kailanganing gamitin ang insurance. Kabilang sa mga dumalo sa aktibidad sina Maagap Chief Executive Officer (CEO) Martin Dela Rosa at Maagap Senior Vice President at Business Development and Branch Operations Joel Libo-on. Personal ding pinasalamatan ang 48 fire volunteers ni Mayor AA para sa kanilang walang-sawang pagseserbisyo sa mga Imuseñong nangangailangan ng agarang tulong. View this article on Facebook
