Isinagawa ng Public Employment Service Office (PESO) ng Pamahalaang Lungsod ng Imus, sa pakikipagtulungan ng EyeQuest International Manpower Services Inc., ang Special Recruitment Activity (SRA) patungong Taiwan nitong Mayo 26, 2026, sa Robinsons Imus. Sa tala, 287 aplikante ang naglakas-loob na mag-aplay para sa kabuuang 400 bakanteng trabaho, kung saan 41 aplikante ang kwalipikado na agad, habang 49 na aplikante naman ang nakatakdang sumailalim sa karagdagang interview. Ang bawat programang patuloy na isinusulong ng Imus PESO ay naglalayong magbigay-tulay sa mga Imuseño tungo sa mas maraming oportunidad pang-trabaho, kaakibat ang suporta ng Pamahalaang Lungsod ng Imus sa kanilang paghahanapbuhay. View this article on Facebook
