City of Imus

665 kalalakihang kabataang Imuseño, lumahok sa Libreng Operation Tuli sa Imus


May 7-12, 2026



Umabot sa 665 kabataang Imuseño ang nabigyan ng libreng serbisyong medikal sa isinagawang Operation Tuli 2026 ng Pamahalaang Lungsod ng Imus sa City of Imus Sports Complex noong Mayo 7 at Mayo 12.

Isinigawa ang programa sa tulong ng Office of the City Health Officer, sa pangunguna ni City Health Officer Dr. Ferdinand Mina, tanggapan ni Congressman Adrian Jay “AJ” C. Advincula, kasama ang mga volunteer mula sa Cavite Medical Society, Imus Institute Batch ‘86, at iba pang katuwang na indibiduwal.

Layunin ng programa na mailapit ang libreng serbisyong medikal sa mga kabataang Imuseño at makatulong sa mga magulang upang makatipid sa gastusin, lalo na sa panahon ng krisis.

Sa kasalukuyan, naserbisyuhan ng Operation Tuli 2026 ang 473 kabataan noong Mayo 7, habang 192 naman ang nabigyan ng serbisyo noong Mayo 12.

Patuloy na isinusulong ng Pamahaalng Lungsod ng Imus ang mga programang pangkalusugan na naglalayong magbigay ng abot-kamay na serbisyong medikal para sa mga Imuseño.

View this article on Facebook