City of Imus

BIR Dialogue 2026: Buwis 101 – Taxes Made Easy



April



Idinaos ng Pamahalaang Lungsod ng Imus, sa pangunguna ng Office of the Local Economic Development and Investment Promotions Officer (OLEDIPO) ni LEDIPO Jhett Vilbar-Lungcay, ang “Bureau of Internal Revenue (BIR) Dialogue 2026: Buwis 101 – Taxes Made Easy” nitong Abril 30, 2026, sa Function Hall, New Imus City Government Center, upang mas maintindihan ng mga negosyanteng Imuseño ang konsepto ng buwis.

Ipinaliwanag nina revenue district officers Sherrly Reyes, Erlene Novillos, Joyce Lili Calimag-Castillo, Abelardo Corañez, Noel More, at Josie Daumar ng BIR 54A sa 168 Imuseño ang mga pangunahing kaalaman patungkol sa pagbubuwis.

Napag-usapan dito ang mga uri ng buwis at mga nagbabayad ng buwis, bookkeeping, filing at paraan ng pagbabayad, mga karaniwang paglabag sa pagbabayad ng buwis, at mga serbisyong ibinibigay ng BIR online.

Kinumusta rin nina Imus City Mayor Alex “AA” L. Advincula, Konsehal Mark Villueva—namumuno sa komite ng Kalakalan, Komersyo, at Industriya—at City Administrator Lauro Monzon ang mga kalahok, kasabay ng pagpapahayag ng kanilang suporta.

Sa pamamagitan ng Buwis 101, mas naintindihan ng mga Imuseño ang proseso ng pagsigurong tama ang operasyon at buwis na ibinabayad ng mga negosyante sa Imus.