City of Imus

Pasig City ICE Hub, binisita ng Imus LGU



April



Bumisita si Imus City Mayor Alex “AA” L. Advincula, kasama ang mga kawani ng Office of the City Environment and Natural Resources Officer at Office of the City Engineer, sa Lungsod Pasig noong Abril 14, 2026, para alamin ang mga kasanayang kanilang ipinatutupad sa Pasig City Innovation for Circular Economy (ICE) Hub.

Sinalubong sina Mayor AA ni Pasig City Mayor Vico Sotto, kung saan napag-usapan ng dalawang alkalde ang epektibong pagpapatupad ng solid waste management at circular economy.

Nasaksihan sa naturang ICE Hub kung paano nabibigyan ng bagong buhay ang bawat basurang n(o)akokolekta, mula sa paggawa ng mga bag, hollow blocks hanggang sa mga produktong maaaring ibenta upang pagkakitaan at mapakinabangan.

Opisyal na binuksan ang Pasig City ICE Hub, isang flagship program ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig, Enero ngayong taon.